Sweeetposh Themes
AMBISOSHY

Sep 14, 2014   0 Notes.
A day out with my friend. @lar_sing  ☺☺☺♡♡♡

A day out with my friend. @lar_sing ☺☺☺♡♡♡

Sep 12, 2014   0 Notes.
So lets have a long sleep tonight and a good laugh tomorrow. GOODNIGHT! PRAY!
 🙏🙏🙏🙏🙏☺☺☺☺ #Repost

So lets have a long sleep tonight and a good laugh tomorrow. GOODNIGHT! PRAY!
🙏🙏🙏🙏🙏☺☺☺☺ #Repost

Sep 10, 2014   0 Notes.

Sep 10, 2014   0 Notes.
So uncomfortable wearing these braces, but it feels good wearing a good smile everyday. #SMILEANDHAVEFRIENDS @zhayings

So uncomfortable wearing these braces, but it feels good wearing a good smile everyday. #SMILEANDHAVEFRIENDS @zhayings

Sep 10, 2014   0 Notes.
Eat what you crave. #Mondate with sissy💙@kyutlyne. ✌✌✌👍❤😊😄🍔🍟 (at Burger King , Glorietta. - Makati)

Eat what you crave. #Mondate with sissy💙@kyutlyne. ✌✌✌👍❤😊😄🍔🍟 (at Burger King , Glorietta. - Makati)

Aug 30, 2014   0 Notes.
My skate buddies. :)
@zhayings @dhaadhaa @acosishir @cheenie

My skate buddies. :)
@zhayings @dhaadhaa @acosishir @cheenie

Aug 29, 2014   0 Notes.
My first ice skating experience was so much fun. I will definitely do it again next time. :)
#ByeRollerBlades #HelloIceSkate #IceSkatingMoa #FIRST #ShyVenture #Shytory #rcnocrop

My first ice skating experience was so much fun. I will definitely do it again next time. :)
#ByeRollerBlades #HelloIceSkate #IceSkatingMoa #FIRST #ShyVenture #Shytory #rcnocrop

Aug 15, 2014   0 Notes.
Thank You so much for your gift, ate Rose @ullrhoze !! 
😊😘💜💜😀

Thank You so much for your gift, ate Rose @ullrhoze !!
😊😘💜💜😀

Jul 26, 2014   1 Notes.

PMS-ing or just the real me?

Nalulungkot ako dahil sobrang laki ng pinagbago ng behavior ko sa bahay. Dahil ba to sa stress? Pressure? Dissapointment? Hindi ko na alam. Gusto ko magbago. I always trying, pero wala eh, PMs-ing lage. Hindi naman ako ganito dati eh. Pero bakit ngayon sobrang iba ko na. I WANNA CHANGE THIS!! Pero hindi ko macontrol. Ako na ba talaga to?

Ang sungit ko, ang suplada ko, ang bossy ko, ang reklamador ko, sumasagot na ko. BAKET? ANONG NANGYARI SAKEN? Pero I feel guilty after I show those. I feel bad for myself. I feel bad for making them feel bad also.

What to do? Hindi naman ako ganyan sa labas. I feel happy being with the other people, pero bakit sakanila? I laughed outside, but I nag at home. How to change this? I really feel bad for myself. :(

Gusto kong magbago. Ayoko ng ganito. Ayoko silang saktan. I always dream for a happy family but I was like “it will never happen, so deal with it”. No way! Ayoko! How to change?

Saan ako magsisimula? What if wag na lang muna ako magsalita, kasi naman lahat na ata ng lumalabas sa bibig ko hindi na maganda pagdating sa bahay. Oo ganun na lang muna. Isang sagot lang, no more explanation kasi if more words are coming out on my mouth, It ends up Iike I’m complaining. Tapos, Dapat kalma lang. Show off the irritated expression. Para maganda lang ang atmosphere. Tama tama! Susubukan ko, starting today. Alam kong hindi ako to, so I have to do something para maibalik ko yung dating ako. Lord! Help me please.

I think I want an instant result for everything kaya ganito ako. I’m very impatient, but I’m trying to change this. And I think I failed everyday. Am I pushing too hard? Alam ko naman na makakatulong to saken that’s why I want to change it eh. Hay. I will give a 2nd try for myself, at ayokong mabigo ulit.

So lets start over again. Kaya yan!

Jul 18, 2014   0 Notes.

Mundo ko.

Mula pagkabata hanggang ngayon nasanay na kong maging independent. I mean yung hindi ako aasa sa ibang tao. Alam ko sa sarili ko na kaya ko naman gawin magisa basta lang gustung gusto ko. Kahit sa mga assignment ko noon walang nagtuturo saakin dahil si mama nasa abroad, si papa nagtatrabaho, yung kapatid ko naman may sarili ding assignments yun, yung katulong naman namin noon dalaga pa kaya yung focus nun sa mga kaibigan niya hindi sa aming alaga niya, kaya nga minsan naiinggit ako sa iba dahil may nagtuturo sakanila. Dala-dala ko yan hanggang sa mag High School ako at mag College. Ako lang sa lahat ng assignments at projects. Alam ko din gawin lahat ng gawaing bahay, pero mas gusto kong matoka sa kusina. Kaya ko din pumunta magisa sa lugar na di ko pa napupuntahan, basta bigyan mo lang ako ng instructions. Sa pagshoshopping, madalas ako lang magisa. Hindi ko kasi feel yung may kasama (except sa ate ko), parang hindi ako kumportable at feeling ko wala akong freedom. Dahil mas naeenjoy ko ang sarili ko, madalas mas gusto ko mapagisa lang. Mas gusto ko yung tahimik, walang tao at dim light lang yung place. O kaya pumunta sa mga lugar na walang nakakakilala saakin. Kaya ko naman libangin ang sarili ko magisa eh. Ganyan ako ka-dependent sa sarili ko. Parang may sariling mundo.

Mga ginagawa ko kapag magisa ako.

1. Manood ng movies, replays, clips, music videos.
2. Magbasa ng nrx book, wattpad, local or int’l book series at trivias.
3. Magkwento sa blog tulad ngayon, pero dati ang hilig ko gumawa ng video story.
4. Manood ng tv.
5. Makinig ng music.
6. Magluto o gumawa ng iba’t ibang sandwhiches.
7. Magstalk ng fb, twitter at instagram.
8. Gumawa ng future plans at magbudget.
9. Magbasa ng mga old posts, old conversations at titigan ang mga old pictures.
10. Matulog.

Mahilig din ako sa sports kaya lang wala din naman akong kasama. Oo naghahanap ako ng kasama kasi sa sports kailangan mo ng partner eh, like yung mga gusto kong gawin, tennis, bowling, table tennis, billiards, volleyball at pati board games. Mahirap kasi humanap ng kasama na pareho kayo ng mga trips eh. Yung mga kaibigan ko kasi hindi mahilig sa ganito, hindi sila sporty, girly sila at busy sa work. Kaya ayun, tanggal sa listahan ko tong sports, hindi pwede ang solo flight. Boring!

Natatandaan ko kapag ayoko ng maraming kasama na hindi ko kaclose, hindi ako nageenjoy sa company, tahimik lang ako. Kaya minsan kapag may invitations yung mga kaibigan ko, hindi ako pumupunta lalo na kapag mas marami ang hindi ko kaclose. Hay ewan! Feeling ko ang pagiging dependent ko sa sarili ang dahilan kung bakit hindi ako sanay makihalubilo sa maraming tao at nagiging mahiyain ako. Tama ako diba? Pero ang sarap kasi mapagisa eh. Nasayo lahat ng oras mo, ramdam ko ang freedom!!

Pero dumating ako sa punto na nagsawa na ko sa mga pinaggagawa ko. Kung noon masaya ako being with myself alone, ngayon nalulungkot na ko. Parang naghahanap na ko ng mga tao, ng kasama. Ewan! Bakit nga ba ngayon ko lang to naramdaman?

Gusto ko ibahin ang mundo ko, makaramdam ng ibang atmosphere. Muka namang ready na ko makihalubilo sa mga tao eh. Kaya lang hindi ko alam kung saan magsisimula.

Sinubukan kong ibahin ang routine ko. Gusto ko maging dependent sa ibang tao para maiba naman. Parang kailangan ko ng taong makakausap ng matagal. Nagdrop ako ng message sa grp at chat box ng mga bestfriends ko. Kinamusta ko sila at inalam mga pinagkakaabalahan nila, ayun mga busy daw. Haaay! Paano ko na to sisimulan? Akala ko kasi sila na ang makakapagpabago ng routine ko eh. Makakapagbigay ng oras sakin. Magpaparamdam saakin na pwede akong umasa sa iba, sakanila. Nakakalungkot naman!

Narealize ko na sa ganitong mga bagay pala hindi dapat sila ang lapitan at asahan ko. Kailangan ko ng maraming oras, pero hindi nila mabibigay yun. Kailangan ko ng makakasama kahit saan o dadalin ako kahit saan, hindi sila pwede dahil busy sila. Kailangan ko ng taong may ibang mundo, yung hindi katulad ng mundo ko, pero walang ganun ang mga kaibigan ko dahil kaya ko nga sila naging kaibigan eh, may pagkakapareho lang ang mga mundo namin. Gusto ko ng may nagaalaga sakin at magtuturo ng mga hindi ko pa alam na bagay dahil hindi ko to narananasan noon kaya lang hindi naman nila ako priority. Gusto ko gawin ang mga sports na sa tv ko lang napapanood, pero gaya nga ng sabi ko, girly sila. Gusto kong maramdaman na kapag nasa maraming tao kami o kasama ko ang mga taong hindi ko naman kaclose, ipaparamdam sakin na kaya ko din makihalubilo sakanila at hindi dapat ako matakot o mahiya, ganyan naman mga kaibigan ko eh, pero minsan hindi sapat.

Alam kong mali magexpect ng sobra. Hindi naman sa nagkukulang ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang sapat na sila saakin. Gusto ko kung ano lang ang mga kaya nila. Gaya ng sabi ko, hindi ko dapat hanapin ang mga bagay na gusto ko, sa kanila, dahil alam ko sa iba ko to makikita. Hindi kaibigan ang magpupuno saakin ng mga kulang sa buhay ko kundi ang taong mananatili sa tabi ko habang buhay.

Naghahanap ako ng ibang mundo, ng taong makakapagpabago ng routine ko, yung magbibigay saakin ng maraming oras, yung magaalaga saakin, kasama ko sa mga lugar na di ko pa napupuntahan, yung hindi ko na kailangan ng instructions dahil may kasama na ko na alam kung saan yun o sabay naming aalamin yun. Yung titikim ng mga luto ko at mga sandwhiches na gawa ko. Yung kasama ko sa mall magstrall. Yung kapartner ko maglaro ng sports. Yung may kasama na ko gawin yung mga bagay na dati ako lang magisa. Hay! Nasaan ka na ba? Malapit ka na ba?

Habang naghihintay ako sayo. Babalik muna ako sa mundong kinalakihan ko ha. Sa mundong kinasanayan ko. Pero kapag dumating ka na, agad agad, lilipat na ko sa mundo mo. ↖(^▽^)↗(*^﹏^*)

Maghihintay ako!!

Jul 17, 2014   0 Notes.

11 Ways to Forget Your Ex-boyfriend.

1. Put away all remnants that remind you of your ex.
2. Make his name a bad word.
3. Do new things that will keep yourself busy.
4. Indulge yourself.
5. Meet new people.
6. Entertain suitors.
7. Go out on a date.
8. Have atleast 3hrs call with a guy you dated recently.
9. Enjoy his company.
10. Evaluate your feelings.

11. Dare to fall inlove, again.

Matagal ng nakasave to sa phone ko pero hindi ko parin magawang basahin. Paano ba naman kasi, title palang hindi ko na gusto. Hindi dahil sa bitter ako, kasi wala naman akong dapat ikabitter eh, ilan taon na din ang nakakalipas nung huli kong relasyon at alam ko sa sarili ko na … I’m over him! Ayoko lang talaga magbasa ng mga ganitong storyline. Well, hindi ko pa naman to nababasa kaya lang feeling ko kasi hindi siya magandang kwento. Pero kagabi lang …

Hindi talaga ako makatulog. Paano ba naman kasi natulog ako ng 1am- 11am. Tapos natulog ulit ako ng 1pm-430pm. Hindi ko alam kung nasulit nga ba ang day off ko, kasi puro tulog lang ang ginawa ko eh. May bagyo kasi kahapon, wala pang kuryente at wala pang signal ang phone kaya wala na kong maisip na gawin kundi itulog ko na lang baka kasi paggising ko may kuryente na. Hahaha!

Nagkaroon ng kuryente bandang 7pm. Pero wala paring signal ang phone ko kaya nanood na lamang ako ng balita. Nang matapos ang PBB, nagpasya na kong matulog. Pero ang tagal ko ng nakahiga, hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kinalikot ko na lang ang phone ko, naggames ako, nagbasa ng mga trivia pero ang ending, nabored ako. Naghanap ako ng babasahin na galing sa wattpad, that time mas gusto ko tagalog para mas feel na feel ko at hindi masyadong mahirapan ang utak ko. Hahaha! Kaya lang ang natitira na lang sa phone ko ay yung “She’s Dating The Gangster”, “Diary Ng Panget” at “11Ways To Forget Your Ex Boyfriend”. Kakatapos ko lang kasi basahin ang SDTG at pang-4 na beses na yun, ayoko naman ulitin agad. Tapos nahahabaan kasi ako sa DNP at ayoko munang magbasa ng mahaba. Kaya no choice ako, kahit ayoko binasa ko na ang 11Ways para lang antukin ako. 44 pages lang naman yun at ayoko din kasing mapuyat ng sobra, baka mahirapan na naman ako mag-adjust sa pagtulog.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagbabasa ako ng mga libro o galing sa wattpad na hu-hook agad ako. Ganun ba talaga sila (writers) kagaling? O dahil malakas lang talaga ang imagination ko?

Well, kahit 44 pages lang siya, maganda parin ang pagkakagawa ng kwento. Ang galing ni Denny ha! Siya din pala yung sumulat ng Diary ng Panget. Hindi ko nga mahulaan kung sino yung nagpapadala ng papel kay Sena eh. Akala ko si Trey, yun pala si Allen na ex boyfriend niya. Ang galing ng twist ng kwento! Kung iisipin mo, kapag nakarinig tayo ng Ex Boyfriend parang nanggago na agad sila kaya naging Ex, pero dito sa kwento, nagsacrifice si boy dahil mahal na mahal niya si Girl. Ayoko maging spoiler sa makakabasa nito kaya hindi na ko magkakwento ng marami. Basta maganda to! Hahaha.

Nung natapos na kong basahin to, napaisip ako. Ano nga ba ang ginawa ko para makapag move on noon? Binalikan ko ang page 1 kung saan nakasulat ang 11Ways to Forget Your Ex Boyfriend.

1. Put away all remnants that remind you of your ex.
— Ginawa ko to! And It really a big help for me. Kailangan talagang burahin ang mga alaala niya para hindi mo na siya maisip at hindi mo na balik balikan ang nakaraan.

2. Make his name a bad word.
— Hindi ko to ginawa, pero hanggat maaari ayoko lang banggitin. Pero naaalala ko noon, meron palabas sa tv na paborito dito sa bahay na kapangalan niya ang isang karakter doon. Minsan nakakainis, pero kapag paulit ulit kong naririnig nasasanay na lang ako.

3. Do new things that will keep yourself busy.
— Ginawa ko to! Totoo kasi na kapag marami kang free time, marami ka ding maiisip na negative about sa sarili mo, yung past mo mamimiss mo, etc. Dito nagsimula ang paggawa ko ng mga video strory. Nakapost din yun dito sa blog ko. Lahat ng feelings ko nilabas ko doon, kaya alam kong mararamdaman niyo ang lungkot ko noon. Hehe.

4. Indulge yourself.
— Ginawa ko to, pero alam ko hindi para magmove on. Gusto ko lang talaga ientertain ang sarili ko at maenjoy ang buhay. Hahaha!

5. Meet new people.
6. Entertain suitors.
7. Go out on a date.
8. Have atleast 3hrs call with a guy you dated recently.
9. Enjoy his company.
11. Dare to fall inlove, again.
— This 6 Ways, hindi pa nangyayari sakin. Kasi wala pa namang dumadating eh. Siguro noon kaya lang hindi pa ko ready, pero ngayon alam ko sa sarili ko na okay na ko, na ready na ko. Ready magmahal at masaktan at the same time.

10. Evaluate your feelings.
— After moving on, mas lalo kong minahal ang sarili ko. Feeling ko buo na ulit ako. Nakatulong talaga yung pagbibigay ng oras sa sarili, time to improve ourselves at time para mas makilala pa ang sarili natin.

Maghihintay ako!! :)

Jul 17, 2014   0 Notes.

ⓟⓐⓝⓐⓖⓘⓝⓘⓟ-2

Noon, bawat natatandaan kong panaginip sinusulat ko sa diary ko dahil alam ko na ang mga panaginip ay kaduktong ng kwento ng buhay natin. Maaari kasing nangyari na ito sa ating nakaraan o mangyayari palang ito sa ating hinaharap.

Parang nanonood lang ako sa isang malaking telebisyon habang nananaginip ako.

Natatandaan ko pa ang isang lalaki sa panaginip ko noon. Matangkad siya at katamtaman ang pangangatawan. Nakatayo kami sa tapat ng gate ng Family House. Ang posisyon namin ay balikat sa balikat. Parang ganito → 웃유. Pansin kong dala dala niya ang mga gamit ko. Tapos nagsimula na kaming maglakad.

Napakaikli lang ng panaginip kong yan pero ang lakas ng impact niyan sa nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at masarap yun sa pakiramdam. Parang nakakaramdam ako ng •••

O(∩_∩)O
O(∩_∩)O
O(∩_∩)O
O(∩_∩)O

PAG-IBIG.

Isa yan sa mga hindi ko makakalimutang panaginip. Alam niyo ba kung bakit?

o(^^o)
(o^^)o
o(^^o)
(o^^)o
o(^^o)
 (o^^)o

Dahil nakilala ko siya at nagkaroon siya ng malaking parte sa buhay ko. ♥(*^﹏^*)♡

Hindi ko alam kung gaano katagal na ang panaginip kong yan bago ko siya nakilala. Matagal tagal na kasing panahon ang lumipas kaya hindi ko na maalala ang petsa at tinapon ko na din kasi yung diary kong yun.

Ang tinutukoy ko pala ay ang ‘NAGING’ boyfriend ko. First Serious Boyfriend.

Kaya nga sa tuwing may panaginip ako na pakiramdam ko special sakin ang taong yun, hindi ko maiwasang magisip kung kailan ko siya/sila makikilala o baka nakilala ko na siya/sila pero hindi ko lang siya/sila matandaan at ano ang magiging role niya/nila sa buhay ko?

Maghihintay ako!!

Jul 14, 2014   0 Notes.

Panaginip.

Ilang araw na kong napupuyat dahil hindi pa ko makapag-adjust sa bago kong schedule, Morning shift. Nasanay akong matulog ng 2:30-3:00 ng madaling araw. Pero kagabi, 9:30 pm palang bumabagsak na ang mga mata ko, hindi ko na kayang pigilan pa ang antok ko kaya natulog na ko.

Ang himbing ata ng tulog ko dahil paggising ko 4am na. Hindi ko na tuloy napanood ang paborito kong mga palabas. Pero ayos lang dahil parang paggising ko, may saya akong naramdaman. :)

Pinagmasdan ko ang palagid kung nasaan ako. Madaming mga sasakyan at halos mga truck ang nandoon. Pag tingin ko sa nilalakaran ko, kulay brown ang lupa at sa taas naman, nakikita ko ang maliwanag na kalangitan. Pagtingin ko sa aking harapan, may isang nakaputi na lalaki, malapad ang kanyang likuran na hindi hihigit sa balikat ang taas ko sakanya. Hawak hawak ko ang kanyang braso. Sinusundan ko lamang siya sa paglalakad. Nang lumiko kami, nakita ko ang dami ng tao na puro nakaputi. Nakapila sila. Napansin ko na hiwalay ang lalaki sa babae. Yumuko ako, dahil hindi talaga ako sanay sa maraming tao. Feeling ko kasi pinagmamasdan nila ako. Binaba ko ang pagkakahawak ko sa braso ng lalaking nasa harapan ko hanggang sa kamay na niya ang hawak hawak ko. Hinigpitan naman niya ang kanyang pagkakahawak saakin. Nang makarating kami sa pila, binitawan na niya ang kamay ko sabay sabing ” Dito na ko, ikaw naman doon” at tinuro ng mga mata niya kung saan dapat ako pumunta. Nakita ko ang pila ng mga babae. Pumunta na ko doon at napansin ko na parang pamilyar saakin ang mga kasama ko. Hindi ako sigurado, pero parang nakasama ko na sila sa school (Elem or HS).

Biglang nagbago ang paligid at pansin kong naging kaunti na lang ang mga kasama ko. Nakalinya kami na may isang lapad ang layo sa isa’t isa na parang sasayaw. Halu-halo na ang mga mukhang nakikita ko. May mga babae at may mga lalake. May nagpapaliwanag naman sa gilid ko kung ano ang gagawin. May hawak siyang tela na checkerd na maroon at black. Pinagmasdan ko ang paligid ko, parang nasa kwarto kami. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, at napansin ko ang isang lalake na nakatingin saakin, nakangiti siya,pero nilihis ko agad ang tingin ko sakanya. Iba ang naramdaman ko, parang natuwa ata ako dahil napansin ko na ako’y nakangiti.

Napaisip ako kung anong oras na. Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko pero wala. Minulat ko ang mga mata ko, tinanggal ang unan, nawawala ang phone ko. Nasaan? Hinanap ko sa higaan ko pero wala pa din. Tumayo na ako para tingnan sa mga lugar na pinaglalagyan ko pero wala pa din. Pagbalik ko ng higaan, nakita ko na, nasa paanan ko lang pala. Pero paano napunta yun dun? Hay ewan!

Gusto ko sana bumalik sa pagtulog pero dahil nakita kong 4am na at malapit na magalarm yung phone ko nagpasya ako na humiga na lang.

Bigla kong naalala yung naging panaginip ko. Kung ano yung naramdaman ko sa lalaking kahawak kamay ko at yung lalaking nakangiti saakin (hindi ko sure kung iisang tao lang sila) ay ramdam ko parin sa mga oras na yun. Ano kaya ang ibig sabihin nun?

ANG SARAP SA PAKIRAMDAM! Haaay. ^_________________^

Maghihitay ako. :)

[Wala palang mukha yung lalake sa panaginip ko.]

Jul 13, 2014   0 Notes.

May nagbago.

Hindi ko alam kung may mali ba, pero ramdam ko na meron. Ang gulo ko ba?! Hahaha. Minsan kasi hindi magkasundo ang nararamdaman ko sa iniisip ko eh. Hay!

Paano ba naman kasi, pinairal ko na nama ang pagiging “possessive” ko. Napapadalas ang pag PPMS ko. Amp! Hindi ko alam kung nasa tamang lugar pa ba to. Pero ang hirap kasi kontrolin eh.

Alam ko kasalanan ko. Tanggap ko naman ang pagkakamali ko eh. Pero syempre, the damage has been done. Wala na kong magagawa kundi tanggapin na lang at magbago.

Nagkamali ako. Lumayo kasi ako. Nagdrama. Nagdemand. Ang ending, parang hindi na nila ako gusto. Ewan! Feel ko eh! Hindi na tulad ng dati na sabik magusap usap. Parang nararamdaman ko na lumaki ang space between samen. Kasalanan ko ba kung nailalabas ko ang nararamdaman ko? Kasalanan ko ba kung nadadala ako sa emosyon ko? Hay! Ang hirap naman! Ang mean ko ba? Pero diba madalas tama ang “instinct”. Will I trust it?

Alam ko, late ko na matutunan ang mga dapat at di dapat gawin o isipin. Pero willing naman ako matuto eh. I accept my fault and then change for the better. Pero teka, ang pagiging “possessive” ba hindi maganda? Feeling ko naman hindi siya katulad ng “selfishness”? Ewan! Siguro selos lang. Kasalanan ko din naman eh. Kung di ako umiwas, di ako nagparamdam, hindi naman sila maghahanap ng ibang company. Am I worthful to be a friend to them? Siguro sawa na sila sa mga drama ko. Hay!

Stress out sa work and family eh, and pati siguro sa sarili. Kaya ayun, emotions was overflowing. Mahirap pala talaga kapag nasa edge ka na ng problema, hindi mo alam kung sino ang hahawakan mo, kung may hahawakan ka pa ba o may hahawak sayo pabalik at di ka bibitawan. And I end up, trusting no one but myself. Ayoko kasing makaistorbo, or iniisip ko baka maisip nila na ang drama ko lang, na I conflict everything which is for them wala naman talagang problema.

Hay! Basta alam ko may nagbago. And alam kong kasalanan ko. Siguro hayaan ko na lang. Nasasaktan ako pag naiisip ko. I tried to bring it back pero parang one way na lang ata.

So now, I need a break. No thinkings. No feelings. Just space. I’m breathless.

I need a looooong hug. Nasasaktan ako.

Jul 11, 2014   0 Notes.

Alaala.

Sana maayos pa ang lahat.

Sa mga nangyari ngayon, parang gusto ko na lang maging bata ulit. Nung bata pa kasi kami sobrang saya lang. Wala kaming ginawa kundi maglaro at magsaya lang. Pero simula ng tumuntong ang mas nakakatanda samin ng HS, naging seryoso na masyado sa pag aaral. Nagkaroon na ng sariling mundo kasama ng ibang tao. Lumiit ang mga kasama. Kumonte ang laro. Hindi na ganun kasaya.

Nasa iisang compound lang kami ng mga pinsan ko o mas kilala bilang Family House. Malaki ito dahil 3 bahay ang nasa loob. Doon lang kami naglalaro. Sobrang naenjoy ko ang childhood days ko kasama sila. Siguro lahat na ng uri ng laro nagawa na namin doon. Hindi ko makakalimutan na pati kulungan ng manok ginawa naming taguan. At gumawa ng sariling peryahan sa compound gawa ng mga panggatong. Tanda ko pa, candy wrappers at tansan pa ang pera namin noon. Hindi din mawawala ang paper dolls, ten twenty, piko, sipa, etc. Mas madalas kami magstay sa bahay ng lola’t lolo ko. Natatandaan ko pa na masaya kami na tumatalon talon at tumatumbling sa malambot nilang kama. Tumulay sa napakalaking aparador nila. Every year din kami umuuwi sa aming probinsya (ilocos), at jeep lamang ang aming sinasakyan. Ang madalas naming gawin ay maliligo sa ilog, maglaro sa bukid, aakyat ng puno, kakain ng mga napitas na prutas, dadalawin ang aming mga kamaganak at paguwi madami kaming pera. Sikat kami doon dahil mga galing Maynila eh.

Pero isang araw na lang, kailangan namin lumipat ng bahay, umalis sa Family House. Malapit lang naman to sa Family House pero iba parin kapag nandoon ka mismo sa loob. Hindi ko alam kung bakit? Basta sabi nila mama at papa, eto talaga ang bahay namin. Hindi na din namin nagagawang umuwi sa probinsya, kung uuwi man, kami na lang. Hindi na kasama ang mga oinsan ko. Siguro dahil magastos. Matanda na din kasi ang jeep, hindi na kayang bumyahe ng malayo.

Masaya talaga pag marami. Pero lumilipas din ang panahon, tumatanda ang nakakatanda saamin, at nagkakasakit ang mahihina samin. Ayun, nasa heaven na sila.

Nagbabago pala talaga ang lahat kapag may nawala o nabali ang isang samahan. Either it can create good or bad sa mga naiwan.

Hay! Sobrang gulo na ng sitwasyon ngayon. Pero alam ko maayos din ang lahat. Naiintindihan ko both sides, pero sana hindi ko lang sila naiintindihan, sana may maitutulong din ako. SANA MOMMY DADDY/ LOLA LOLO, TITA DELFA, ALLAN nandito parin kayo kasama naming lahat.

Paano kaya kung kumpleto pa kaming lahat? Mangyayari parin kaya to?

Lord God, alam ko na kung ano ang gusto kong mangyari bago ako mawala sa mundong ito, maging masaya ulit kasama silang lahat! Kayo na pong bahala saamin.